--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilalahukan ito ng ng 1,500 mula sa ibat ibang lugar sa ikalawang rehiyon at sa labas ng rehiyon dos tulad ng Tarlac, Bulacan, Ilocos Sur at Bicol ang iba’t ibang event Quirino Motorismo Festival sa Cabarroguis, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Orlando Baliton, event manager ng MOTORISMO 2018 na nagsimula na ang Motorismo Unity Ride mula Nagtipunan Siitan River Park papuntang panlalawigang kapitolyo.

Lahat ng mga riders ay nagkampo sa Nagtipunan Siitan River.

Ito ang ika-apat na pagdiriwang ng Quirino Motorismo Festival dahil gustong i-promote o isulong ang lalawigan ng Quirino bilang motor biking festival sa bansa.

--Ads--

Sinabi ni G. Baliton na ang unity ride ay isa lamang sa major events.

Ang iba ay ang motocross, drag race, endurance challenge at duro cross, bike show at iba pa.

Lahat ng mga sports related sa motorcycle ay napanood sa Quirino Motorsimo Festival.

Ang motocross challenge sa quirino sports and tourism complex ay nilahukan ng isang Canadian na free style rider at isang hungarian rider

500 rider ang lalahok sa Quirino Motorismo endurance challenge 2018 at tatakbo sila ng isang libong kilometro na tatapusin ng dalawamput apat na oras.

Ito ay dadaan sa Isabela hanggang Cagayan pabalik ng Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Aurora at pabalik sa Quirino.