CAUAYAN CITY- Patuloy sinisiyasat ng Cauayan City Police Station ang umanoy pagpapaputok ng baril ng isang lalaki na nagpakilalang pulis sa barangay duminit, Cauayan City.
Una rito ay nagtungo sa himpilan ng pulisya si Mary Joy Pascua, 29 anyos matapos umano siyang muntik matamaan ng ligaw na bala.
Batay sa kanyang salaysay, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa na taga barangay Duminit Cauayan City.
Tinawagan umano ng babae ang kanyang ina na taga Nungnungan, Cauayan City.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating sa barangay Duminit ang tinawagang ginang na may kasamang dalawang lalaki at pinagalitan ang mister ng kanyang anak.
Nagpaputok umano ng baril ang kasama ng ginang ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Tumugon ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station subalit hindi na naabutan ang nagpaputok ng baril.




