--Ads--
Binata sugatan makaraang saksakin ng kabarangay sa Santiago City
CAUAYAN CITY – Sugatan ang isang binata matapos saksakin ng kanyang kabarangay sa Santiago City.
Ang biktima ay si Lloyd Gregorio, 20 anyos, binata, isang sales agent habang ang suspek ay si Jerwin Balagtas, 21 anyos at kapwa naninirahan ng Purok 7 Balintocatoc, Santiago City
Ang biktima ay nakikipag-inuman sa 3 kaibigan nang dumating ang pinaghihinalaan at pinagbintangan si Gregorio na nagnakaw ng kanyang pera na sanhi para magtalo ang dalawa.
--Ads--
Galit na galit ang suspek na hanabol ang biktima at sinaksak ng ng dalawang beses sa likod.
Kaagad dinala sa pagamutan ang biktima habang ang suspek ay dinakip ng mga kasapi ng Station 2 ng Santiago City Police Office




