--Ads--

CAUAYAN CITY- Hinikayat ng Department of Science and Technology (DOST) region 2 ang mga mag-aaral lalo na ang mga nasa elementarya at sekondarya na lumikha at mag-isip ng mga ideya tungkol sa agham at teknolohiya.

Isa ito sa mga layunin ng poster making contest at robotics exhibition sa Isabela State University (ISU) Cauayan City campus bilang bahagi ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival 2018.

sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Angel Gorospe, research and science specialist ng DOST region 2, sinabi niya na ang layunin ng kanilang partnership sa LGU Cauayan city at ISU ay ibayong maisulong ang siyensiya at teknolohiya.

Ang poster making contest ay inorganisa para himukin ang mga mag-aaral na gumawa ng mga konsepto na maaaring suportahan ng DOST.

--Ads--

Ang magwawagi ng poster making contest ay tatanggap ng certificate of recognition, medalya at P5,000.00 para sa 1st place.

Ang 2nd place ay P/3,000.00 habang ang 3rd place ay P/2,000.00.

Ang robotics exhibition naman ay naglalayong ipakilala ang mga robot na imbensiyon ng mga mag-aaral sa sekondarya.

Ang mga kalahok ay bibigyan ng certificate of recognition dahil hindi naman ito paligsahan.

Sinabi pa ni Bb. gorospe na dahil digital na ang maraming aspeto ng buhay ay kailangang makipagsabayan ang mga pinoy para maipagmalaki ang kakayahan ng mga pinoy sa agham at teknolohiya.

Sumulat ang DOST 2 at organzier at mga division office ng Dep-Ed Isabela para mahikayat ang mga mag-aaral na dumalo sa mga aktibidad.