--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa na lamang mula sa 76 na drug responders na nasa Drug Watchlist ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang hindi natagpuan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Supt. Jeremias Aglugob, Provincial Director ng NVPPO na noon pang January 29m 2018 hanggang ngayon ang kanilang ginagawang panghihikayat na sumuko na sa pulisya amh mga drug responders para sumailalim sa Community Based Rehabilitation Program ( CBRP).

Tiniyak niya na isinasagawa nila ang tamang proseso para matiyak na wala nang magiging sangkot sa illegal na droga sa kanilang nasasakupang lugar.

Kapag nalaman na bumalik ang mga drug responders sa kanilang illegal na gawain ay hindi sila magdadalawang-isip na sila ay arestuhin.

--Ads--