CAUAYAN CITY– Dinakip ang isang welder matapos masamsaman ng baril sa Brgy. Marasat Pequenio, San Mateo, Isabela.
Nasa pangangalaga na ng San Mateo Police Station ang suspek na si John Estabillo residente ng Marasat Pequenio, San Mateo,Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang himpilan upang ipaalam na may isang lalaki ang may baril at nagpaputok pa ng tatlong beses sa Brgy. Marasat Pequenio.
Sa pagtugon ng mga nagpapatrolyang pulis sa lugar ay agad nilang nadakip si Estabillo at nakuha sa kanyang pag-iingat Magnum Cal. 22 revolber.
Sinabi naman ni Estabillo na napulot lamang niya ang nasabing baril noong Semana Santa at balak niya itong ipasakamay sa himpilan ng pulisya.
Hindi naman ito pinaniwalaan ng mga pulis dahil matagal na nilang sinusubaybayan ang suspek.




