--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Saguday Police Station at Lagawe Police Station ang isang no.1 wanted person sa Saguday, Quirino.

Nadakip si Julius Banaag, 30 anyos, may-asawa ,at residente ng Poblacion West, Lagawe, Ifugao matapos isilbi ang warrant of arrest na ipinalabas Regional Trial Court 2nd judicial region branch 32 ng Cabarroguis, Quirino.

Nag-ugat ang kasong Attempted murder with less physical injury na isinampa laban kay Banaag sa panghoholdap niya sa isang bahay inuman sa bayan ng Saguday at tangkang barilin ang may-ari nito.

Nasa pangangalaga ngayong ng Saguday Police Station si Banaag at
umaabot sa P/120,000.00 ang kailangan niyang ilagak na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

--Ads--