CAUAYAN CITY – Inaasahang dudumugin ng mga Cauayeño mula sa 65 barangay ng Cauayan City ang coronation night ng Search for Mutya ng Cauayan mamamayang gabi.
Kaugnay nito ay nakahanda na ang puwersa ng Cauayan City Police Station sa pagbibigay ng seguridad sa coronation night ng nasabing patimpalak pagandahan
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, mahigit 100 pulis ang itatalaga sa festival ground at paligid ng FLDY Coliseum kung saan isasagawa ang Coronation Night.
Puspusan na rin ang pagsasanay ng 30 kandidata ng Mutya ng Cauayan na may edad mula 16 hanggang 21 anyos na mula sa iba’t ibang barangay ng Cauayan City.
Inaasahang dadaluhan ito ni Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves, mga artistang sina Robi Domingo at Mark Herras.




