--Ads--
CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang senior citizen na wanted sa batas dahil sa kasong frustrated murder sa Tumauini, Isabela.
Sa bisa ng warrant pf arrest na ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torio ng Cabagan Regional Trial Court Branch 22 ay dinakip ng pulisya ang suspek na si Teofilo Ramos, 68 anyos, May-asawa at residente ng Tumauini, Isabela.
Pansamantalang nakalaya si Ramos matapos maglagak ng piyansang P/200,000.00 .




