--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang apat katao matapos magbanggaan ang mga sinasakyang motorsiklo sa mga bayan ng Naguillian at Cabatuan, Isabela.

Kaugnay nito tatlo ang sugatan makaraang magbanggaan ang kanilang mga sinasakyang motorsiklo sa Brgy Magsaysay, Naguilian, Isabela

Ang mga nasugatan ay sina Manilo Fabro ,35 anyos, isang sundalo, may-asawa at residente ng Brgy Magsaysay, Isabela; Florante Rodrigo, 24 anyos at ang angkas nitong si Maria Imacculate Ibarra, 16 anyos, estudyante at residente ng Brgy. Quirino, Naguilian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nag U-turn ang minamanehong motorsiklo ni Fabro ng biglang sumulpot ang motorsiklong minamaneho ni Florante na nagdulot ng kanilang banggaan.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang tsuper ng motorsiklo at ang angkas nito na agad dinala sa ospital.

Samantala, sugatan ang isang lalaki matapos mabangga ng isang motorsiklo sa Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Ang nasugatan ay si Rodrigo Guttierez, 49 anyos, may-asawa, foreman at residente ng Purok 2, Rang-ay, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan batay sa mga nakakita, patungong kanlurang direksyon ang motorsiklong minamaneho ng biktima ng bigla na lamang siyang banggain ng isa pang motorsiklo.

Isinugod sa pagamutan ang biktima habang kaagad tumakas ang pinaghihinalaan patungong kanlurang direksyon.