--Ads--
CAUAYAN CITY – Isang magsasaka ang dinakip ng mga kasapi ng Gamu Police Station dahil sa kinakaharap na kasong act of lasciviousnes sa brgy Furao.
Ang suspek ay si Ernesto Diampoc, 46 anyos, may asawa, at residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang operasyon ng mga kasapi ng Gamu Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Senior Inspector Richard Limbo.
Kanilang isinilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Angerico Ramirez, Presiding Judge ng 11th MCTC Gamu-Burgus.
--Ads--
Si Diampoc ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon
Si Diampoc ay nakapaglagak ng piyansang P/12,00.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.




