--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ni 50 meter breaststroke record breaker Jalil Taguinod ang nalalapit na South East Asian Age group swimming competition na gaganapin dito sa bansa.

Ito ay matapos nanalo ng gintong medalya sa 50 meter breaststroke si Jalil Taguinod, 12 anyos ng Cagayan Valley Regional Atheletics Association (CaVRAA)

Nauna nang sinabi sa Bombo Radyo Cauyan ni Ginang Estephy Taguinod na kinukuha ang kanyang anak na si Jalil bilang endorser o brand ambassador ng swimming equipment and swimsuit product.

Aniya masaya umanong ibinalita ng kanyang anak ang pagkakabasag nya sa record ni Joshua Acain sa 50 meter breaststroke ng NCR na naitala noong 2006 maliban pa ang muling pagkakasungkit niya sa gintong medalya sa 200 individual medley.

--Ads--