CAUAYAN CITY – Ipinagmalaki ng pamahalaang lungsod ng Cauayan ang magsasakang Cauayeño na tinanghal na Most Outstanding Corn Farmer sa buong Bansa.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Agriculture Secretary Manny Piñol ang nagbigay kay G. Felix Ancheta ng barangay Buena Suwerte, Cauayan City ng pagkilala sa malakanyang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Ancheta, kanyang sinabi na sinusunod lamang niya ang turo ng Department of Agriculture (DA) sa tamang pamamaraan sa pagtatanim ng mais kaya mas dumami ang kanyang inaani.
Anya mahalagang matututo ang mga magsasaka sa mga makabagong kagamitan at teknolohiya na nakakatulong sa magsasaka. Libreng pinagkakaloob ng DA ang mga kaalaman at intervention para mapalago ang kanilang mais.
Kung dati ay nakakaani si Ancheta ng 100 sako ng mais kada ektarya, ngayon ay umaabot na sa 200 sako kada ektarya.
Naniniwala siya na dahil sa hindi niya pagbenta ang kanyang aning mais kung kayat napili siyang Oustanding Corn Farmer sa bansa kung saan tinalo niya ang pambato ng iba’t ibang rehiyon sa pilipinas.
Anya mayroon siya sariling pagawaan ng feeds kung kayat hindi niya binibenta ang kanyang mga inaani at ipinapakain sa mga alagang baboy.
Maliban sa pagkilala ay nakatanggap din ng P/250,000.00 si Ancheta.




