--Ads--

CAUAYAN CITY- Sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ( Anti-Illegal Gambling Law ) ang tatlong tao na nadakip sa anti-illegal gambling operation ng Cabagan Police Station.

Kabilang sa mga dinakip ang isang senior citizen na 65 anyos, isang 35 anyos na tsuper ng kalesa, at isang 18 anyos na pawang mga residente ng Catabbayungan, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ang Cabagan Police Station ng tawag mula sa isang concerned citizen ng impormasyon na may nagsusugal sa isang bakanteng lote sa kanilang barangay.

Nang makitang paparating ang mga pulis ay nagtakbuhan ang mga nagsusugal sa ibat ibang direksyon.

--Ads--

Gayunman, nadakip pa rin ang tatlo at nasamsam sa operasyon ang ilang gambling paraphernalia at money bet na nagkakahalaga ng P/763.00.

Dinala ang tatlong sangkot sa himpilan ng pulisya para dokumentasyon at disposisyon.