--Ads--
CAUAYAN CITY – Isang tsuper at magkapatid ang dinakip ng kasapi ng Cabagan Police Station dahil sa kinakaharap na kaso.
Ang tatlong dinakip ay ay sina Pee-Jay Zipagan, 22 anyos, tsuper at ang magkapatid na sina Ariel Ulep, 39 anyos at Angelito Ulep, 35 anyos , pawang residente ng Sto.Tomas, Isabela.
Ang tatlo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torio II ng Regional Trial Court Branch 22, Cabagan ng mga kasapi ng Cabagan Police Station.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlo ngunit kaagad silang nakalaya makaraang maglagak ng piyansang tig- P/72,000.00.
--Ads--




