--Ads--

CAUAYAN CITY – Nahuli sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pagsusugal ang pitong katao na naaktohang naglalaro ng Tongits sa bayan ng Bayombong at Bagabag sa Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Joseph Dela Cruz, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office na patuloy ang kanilang isinasagawang pagsisiyasat para masampahan na ng kaso ang 4 na nadakip sa bayan ng Bayombong na pawang mga nasa tamang edad.

Nagpa-alala siya na seryoso ang pulisya sa kampanya nito laban sa ilegal na pagsusugal.

Anya, kahit na sabihing libangan lamang ay nagpa-alala ang opisyal ng puylisya na iwasan nang magsugal at maging sabong sa manok kung ayaw nilang masampahan ng kaso

--Ads--

Nahuli naman ang tatlong katao na naaktuhan din sa paglalaro ng tong-its sa barangay Villa Coloma, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang mga nahuli ay 45 anyos, 55 anyos at isang 32 anyos.

Nakuha sa kanila ang barahang ginamit sa paglalaro, at bet money na mahigit P/2,000 .