--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaasahang dudumugin ng mga Isabelinio mamayang gabi ang paggawad ng parangal sa mga gawad saka awardees, oustanding isabelenio at mahigit dalawampu na pumasa sa 2017 bar exam bilang habagi ng pagdiriwang ng ika-162 Isabela Day.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lalo pang paiigtingin ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang seguridad sa mga mamamayan na dadalo sa nasabing aktibidad.

Magbibigay aliw din n mamayang gabi sa mga manonood sina Elmo Magalona, Janela Salvador at Parokya ni Edgar.

Nauna nang binuksan ang Bambanti Village sa harapan ng panlalawigang kapitolyo sa Ilagan City.

--Ads--

Tampok sa Bambanti Village ang mga produkto ng mga bayan at lunsod sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panlunsod Member Rolando Tugade, Director General ng pagdiriwang ng Isabela day na layunin nito na matulungan ang mga magsasaka at negosyante na maipakilala at maibenta ang kanilang mga produkto sa Bambanti Village.

Makipag-ugnayan anya sa kanilang mga mayor o municipal tourism officer para maibenta nila ang kanilang produkto sa bambanti village.

Samantala, tampok din sa pagdiriwang ang fireworks display at ang Search For Queen Isabela.