--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahanap na ng mga kasapi ng Alicia Police Station ang isang lalaking nahaharap sa paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law )matapos magtago ng malamang sinampahan na siya ng kaso dahil sa panggagahasa nito sa kaniyang 11 anyos na step daughter.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagtungo sa Alicia Police Station ang tunay na ama ng biktima upang ireklamo ang suspek na kinilala sa pangalang Ram.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Alicia, sinamtala ng suspek ang pagkakaton na wala sa loob ng bahay ang nanay ng bata.

Hindi umano pinayagang lumabas ang bata at sapilitang ipinasok siya sa kwarto at isinakatuparan ang panggagahasa.

--Ads--

Hindi naman kaagad nakapag sumbong ang biktima dahil sa pagbabanta sa kaniya.

Dahil naman sa takot ng bata na muling maulit ang nasabing pangyayari ay kaagad siyang nagsumbong sa kaniyang biological father.

Kaugnay nito, nagpaalala PNP Alicia sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak upang hindi matulad sinapit ng biktima.