--Ads--
CAUAYAN CITY – Dalawang piso hanggang P/5.00 ang napansin ng ilang magulang na pagtaas sa presyo ng school supplies sa San Mateo, Isabela.
Ayon kay Gng. Imelda Antonio , unti – unti ang kanyang pagbili ng mga supplies supply upang hindi siya gaanong mahirapan ngunit kapansin-pansin ang pagtaas na ng presyo ng kanyang binibili.
Anya, kung dati ang isang ordinaryong notebook ay mabibili lamang ng P/10.00 ngayon ay P/12.00 na.
Ang mga mamahaling notebook ay umabot na sa P/135.00 na dati ay nabibili lamang sa P/130.00.
--Ads--
Sinabi naman ng mga mangangalakal na nagtaas ng presyo ang kanilang pinagkukuhanan kung kaya’t may dagdag presyo rin sila.




