--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang ginang matapos mabangga ang kinalululanang motorsiklo ng kasalubong na kuliglig sa Barangay Rang-ay, Cabatuan, Isabela.

Dinala sa Integrated Hospital sa bayan ng San Mateo ang biktimang si Arlene Paual, 37 anyos, matapos magtamo ng sugat sa kanyang paa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Gng. Paual, sinabi niyang papunta sila sa bayan ng San Mateo upang umangkat ng isda sakay ng motorsiklong minamaneho ng kanyang asawang si Jose Paual.

Hindi anya nakita ng kanyang asawa ang paparating na
kuliglig dahil may mga nakaparadang sasakyan kaya sila’y sumalpok.

--Ads--

Ang kuliglig ay minamaneho ni Ferdinand Landayan, residente ng Brgy. Rang-ay, Cabatuan, Isabela.