--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang magsasakang nahaharap sa kasong bigong pagpatay sa barangay District 1, Benito Soliven, Isabela.

Ang suspek ay si Aurelio Sagun Noche, 37anyos, binata, isang magsasaka at residente ng Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela.

Ang suspek ay dinakip ng mga kasapi ng Benito Soliven Police Station sa pamumuno ni SPO4 Joffrey Solomon sa bisa ng mandamiyento de aresto na ipinalabas ni Judge Rodolfo Dizon of RTC branch 18 City of Ilagan

Makakalaya lamang ang suspek kung makapaglagak ng piyansang Php72,000.00.

--Ads--