--Ads--

Ipinagdiwang ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas ang kaniyang ika-62 kaarawan habang patuloy na nahihilig sa Hyrox, isang fitness competition na pinagsasama ang pagtakbo at iba’t ibang physical exercises.

Ayon sa aktres, mas naging aktibo siya at kasalukuyan nang itinuturing ang sarili bilang isang hybrid athlete. Ibinahagi rin ng kaniyang mga anak na sina Sancho at Sophia na mas masaya at blooming ang kanilang ina dahil sa bagong hilig nito.

Nilinaw naman ni AiAi na bahagi lamang ng isang promotional collaboration ang viral video kung saan nakasuot siya ng wedding gown, na inakalang muli siyang ikakasal.

Nagpasalamat din ang aktres sa kaniyang tatlong anak na sina Sancho, Nikki at Sophia dahil patuloy silang nagsisilbing lakas at inspirasyon niya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

--Ads--