--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay na ang isang pulis makaraang matagpuan ang bangkay nitong palutang lutang sa Pinakanawan River sa barangay Centro East, Palanan, Isabela.

Ang nalunsod ay si SPO2 Patrick Guigayan Udan, 41 anyos, nakatalaga sa Palanan Aviation Station at residente ng Galonogon.
Aguinaldo, Ifugao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Ronald Caban, hepe ng Palanan Police Station na ang biktima at ang kasamang si PO1 Villamor Viloria ay kumain sa gilid ng ilog at matapos kumain ay nagpasyang maligo sa ilog.

Subalit makaraan ang ilang oras na paliligo ay bigla na lamang hindi makita ni PO1 Viloria si SPO2 Udan kaya humingi ng tulong.

--Ads--

Natagpuan ng boat operator na si Jaypee Bautista ang biktima na palutang lutang sa ilog.

Inihayag naman ni PO1 Viloria na hindi sila nag-inuman dahil katatapos lamang nilang kumain kaya nasa maayos na kondisyon ang pag-iisip ni SPO2 Udan.

Lumabas sa pagsusuri sa bangkay ng biktima na wala namang palatandaan na may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Marami na rin anyang nalulunod sa bahagi ng nasabing ilog dahil sa malalim na bahagi nito.