--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang gardener matapos mabangga ng isang sports utility vehicle sa national highway sa San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktima na si Danilo Bacasas, 49 anyos, may-asawa, gardener at resident of Salamague, Lamut, Ifugao.

Habang ang nakabangga sa biktima ay isang puting Isuzu Crosswind na may plakang XFX 119 na minamaneho ni Robinson Paredes, 28 anyos, may-asawa, negosyante at residente of Purok 3, La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Batay sa pagsisiyasat ni PO2 Paul John Lattao ng Bayombong Police Station, ang Crosswind ay bumibiyahe patungong south direction nang aksidenteng nabangga ang biktima.

--Ads--

Dinala ang biktima sa Veterans Regional Hospital Bayombong, Nueva Vizcaya ngunit binawian habang ginagamot dahil sa matinding sugat na tinamo sa katawan.

Nasa kamay na ng Bayombong Police Station ang tsuper ng crosswind at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.