--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi matanggap ng nanay ng isang binata ang kanyang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng insektisidyo sa bayan ng Cabatuan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng nanay ni Jeffrey Domingo na mabait ang kanyang anak kaya hindi niya matanggap na wala na siya.

Si Jeffrey at ang kanyang tiyuhin ay magkasabay na nakaburol ngayon sa kanilang lugar sa Tandul, Cabatuan.

Unang namatay ang kanyang tiyuhin na si Marcos Sabban matapos pagpapaluin ng mga suspek na nakakulong na ngayon.

--Ads--

Sinabi ni Gng. Domingo na malapit ang binata sa kanyang tiyuhin at parang nakonsensiya ang kanyang anak na walang nagawa nang gabing pagpapaluin hanggang mamatay ang kanyang tiyuhin.

Desidido naman ang pamilya ni G. Sabban na kasuhan ang mga suspek na ngayon ay nakakulong na upang mabigyan ng hustisya ang kalunus-lunos na pagpatay sa biktima.