--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang welder matapos malunod sa Pinacanauan River na nasasakupan ng Barangay Zone 3, San Mariano, Isabela.

Ang namatay ay si Dexter Corsonada, 33-anyos, welder at residente ng Brgy. Mandalagan, Bacolod City, Negros Occidental.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagtungo ang biktima kasama ng mga kaibigan sa Ilog Pinacanauan para mag picnic at mag-inuman bandang ala una ng hapon.

Nalunod ang biktima nang mapadpad sa malalim na bahagi ng ilog habang nasa impluwensya ng alak.

--Ads--

Narekober ang katawan ng biktima ng mga kasapi ng San Mariano Police Station, Municipal Disaster Risk Reduction Office at mga opisyal ng Brgy Zone 3 bandang alas singko ng hapon.