--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaayos na ang Mutual aid and insurance claims ng mga na-aksidenteng mag-aaral ng Nueva Vizcaya State University Bayombong na ikinamatay ng tatlo at tatlo rin ang nasugatan sa Caranglan, Nueva Ecija,

Ang mga graduating students na nasawi ay sina Regie Cabigat ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya na kumukuha ng Agricultural Engineering; Leah Cailin, kumukuha ng kursong Civil Engineering, residente ng Paracelis, Mountain Province at Rex Yano, residente ng Quirino at kumukuha ng kursong Civil Engineer.

Habang ang tatlo na sina Aimy Quedique na kumukuha ng kursong Agricultural Engineer, residente ng Maddela Quirino; Jomy Limon Civil Engineering student na residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya ay kapwa nakalabas na ng pagamutan habang si Jester Allen Carbonel na nanatili pa rin nasa Veterans Regional Hospital ngunit nasa maayos ng kondisyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Nueva Vizcaya State University Bayombong Campus Director of students and Services Affairs Angel Genato na sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang supporting documents para sa pag-claim ng mutual aid at insurance claims na makukuha sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

--Ads--

Anya ang mga biktima ay galing sa outing sa Dinadiawan, Aurora at sakay sila ng tatlong single motorcycle nang mabangga ng isang elf closed van

sa kanilang nakalap na impormasyon ang closed van ay nag-overtake ng isang truck kaya nabangga nito ang kasalubong na tatlong motorsiklong sinasakyan ng mga biktima.