--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang retiradong pulis habang sugatan ang isang technician matapos magbanggaan ang kanilang sinakyang motorsiklo sa Aurora, Isabela.

Ang namatay na retiradong pulis ay si Endelicio Concepcion, 71 anyos,may-asawa at residente ng Bagong Tanza, Aurora, Isabela habang ang technician na sugatan ay si Sunday Belizar, 26 anyos, may-asawa at residente ng Manano, Mallig, Isabela.

Ang nagmaneho naman ng jeepney kung saan tumilapon ang retiradong pulis ay si Elrial Tabagon, 19 anyos, isang estudyante at residente ng Paracelis, Mountain Province.

Ang mga tsuper na sangkot sa aksidente ay mayroong mga kaukulang driver’s liscence.

--Ads--

Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng pulisya na ang motorsiklo na minamaneho ni Concepcion ay patungong poblacion at sinubukang mag-overtake sa jeep na minamaneho ng Tabagon nang nakasalubong ang motorsiklong minamaneho ni Belizer na nagsanhi ng kanilang salpukan.

Tumilapon ang retiradong pulis sa jeep sanhi para magtamo ng malalang sugat sa katawan.

Dinala sa pagamutan ang dalawang stuper ng motorsiklo subalit idineklarang dead on arrival sa ospital si Concepcion.