--Ads--

CAUAYAN CITY -Patay ang isang 6 anyos na bata matapos mabangga ng isang motorsiklo habang binabagtas ang daan sa Maligaya, Echague, Isabela.

Ang biktima ay ang Grade-1 pupil na si Mark Ryan Gannaban ng Purok 6, Maligaya, Echague habang ang suspek ay ang tsuper ng motorsiklo na si Roel Manaligod, 21 anyos, binata, residente ng Payak, Jones, Isabela

Sa pagsisiyasat ng Echague Police Station, patungong kanlurang direksiyon si manaligod at mabilis ang pagpapatakbo nang mabangga ang bata.

Nadala pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay dahil sa tinamong malubhang sugat sa katawan.

--Ads--

Ang tsuper na si Manaligod ay dinala naman sa Echague District Hospital ngunit nakalabas din agad.

Sasampahan siya ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.