--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang angkas ng isang motorsiklo na nasangkot sa aksidente sa barangay Malasin, Burgos, Isabela.

Ang namatay ay si Sanny Edralin, 53 anyos, laborer at residente ng Aurora, Isabela habang ang tsuper ng motorsiklo ay si Jhun Parciamento, 41 anyos, laborer at residente ng San Pablo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, mabilis ang pagpapatakbo ng tsuper ng motorsiklo habang binabagtas ang daan patungong Kanlurang direksyon.

Nag overtake pa ang motorsiklo ngunit hindi na-kontrol ang motorsiklo sa pakurbadang daan.

--Ads--

Tumilapon pa sa palayan ang mga biktima.

Agad silang dinala sa pagamutan para malapatan ang mga tinamong sugat ngunit idineklarang dead on arrival ang angkas ng motorsiklo.