--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang senior citizen na magsasaka matapos suwagin ng kanyang kalabaw sa barangay Quezon, Nagullian, Isabela.

Ang biktima ay si Domingo Cabaccan, 60 anyos, may-asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office(IPPO), ipinapastol ng magsasaka ang kanyang kalabaw malapit sa fugo river nang magwala at sinuwag ang biktima.

Nasuwag sa tiyan ang biktima na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

--Ads--

Ayon pa sa pulisya, matagal na anyang alaga ng magsasaka ang kalabaw at dati na umanong nagwawala ang nasabing hayup.