--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang 2 anyos na batang lalaki matapos malunod sa barangay Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Alvin Guillermo, 2 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Larry Pingkihan, Hepe ng Quezon Police Station na ang pamilya ng bata ay nagpicnic sa ilog.

Naengganyo ang bata na maligo at lumangoy ngunit napabayaan nila at hindi nakitang nalulunod ang bata

--Ads--

Tumulong ang ilang tao na nasa lugar na maghanap sa bata hanggang sa matagpuan at sinikap i-revive at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Pinaalalahanan ni Chief Inspector Pingkihan ang mga mamamayan na nagtutungo sa mga ilog na mag-ingat kahit mababaw lamang ang tubig at bantayang mabuti ang mga batang naliligo.