--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Naguilian Police Station ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay o murder sa Brgy. Magsaysay, Naguillian, Isabela.

Ang inaresto ay si Allan Andres, 30 anyos, binata, caretaker ng isang bahay, at residente ng Balzain East, Tuguegarao City.

Si Andres ay dinakip ng mga kasapi ng Naguilian Police Station sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Marivic Cacatian Beltran ng RTC Branch 3 Tuguegarao City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Senior Inspector Gary Macadangdang, Hepe ng Naguilian Police Station, halos sampong taon na nagtago sa batas ang suspek.

--Ads--

Una anyang nagtago si Andres sa Maynila at mahigit isang taon na umanong namamasukan bilang caretaker ng isang bahay sa Naguilian, Isabela.

Sa tulong umano ng mga opisyal ng barangay ay natuklasang pinaghahanap ng batas si Andres.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Andres.

Siya ay dinala sa Naguillian Police Station at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.