--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang patay ang isang lalaki sa loob ng kanyang tahanan sa Purok dos, barangay Malasin, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station ang namatay ay si Arnold Gamo, 88 anyos at residente ng nasabing barangay.

Wala namang nakita ang mga pulis na palatandaan na pinaslang ang biktima at wala ring palatandaan na pinagnakawan.

May iniindang karamdaman si Gamo at maaaring namatay dahil sa sakit.

--Ads--

Mag-isa lamang ang biktima sa kanyang tahanan.

Nakita ang matanda na wala nang buhay na nakaupo sa kanyang butaka at nakita sa kanyang bulsa ang tinatayang Php100,000.00 na pinagbentahan ng palay.

Ang mga labi ni Gamo ay nasa state of decomposition na nang makita.