--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang karpintero matapos pagbabarilin ng umanoy riding in tandem criminals sa Plaridel Street, Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Novelyn Aggasid, Public Information Officer ng Solano Police Station, kanyang kinilala ang biktima na si Sisinando Millado , nasa tamang edad, may-asawa karpintero at residente ng Quezon, Nueva Vizcaya

Sa paunang pagsisiyasat ng Solano Police Station ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo na may kulong kulong at patungong town proper nang lapitan ng dalawang katao na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Nakuha ng mga pulis sa pinangyrihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng Cal. 45 baril.

--Ads--

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng Solano Police Station sa nasabing krimen.