--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Burgos Police Station sa pagbaril at pagpatay sa dating barangay kapitan ng Divisoria, Aurora sa Brgy. Catabban, Burgos, Isabela.

Ang biktima ay si dating barangay kapitan Pacifico Viernes, 49 anyos, magsasaka at residente ng Divisoria, Aurora, Isabela.

Pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang suspek ang biktima nang magtungo siya sa kanyang sakahan sa barangay Catabban, Burgos, Isabela sakay ng kanyang motorsiklo.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan si Viernes.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Burgos Police Station, wala pang natukoy na motibo sa pagpatay sa biktima dahil batay sa pagpapahayag ng kanyang misis ay wala siyang alam na kaaway ng kanyang mister.

Wala rin umanong nakakitang tao sa pagbaril sa biktima dahil malayo ang lugar na pinangyarihan ng krimen sa mga kabahayan.