--Ads--

CAUAYAN CITY – Bangkay na ng matagpuan ng kanyang mga kaanak ang lalaking taga San Mateo na ilang araw ng pinaghahanap.

Iniuwi na sa kanilang tahanan sa barangay Bagong Sikat, San Mateo ang mga labi ni Allan Segundo Visaya.

Si Visaya ay umanoy naaksidente sa Aurora, Isabela.

Hindi kaagad natukoy ang pangalan ng biktima dahil walang identifcation card noong maganap ang aksidente sa nasabing bayan.

--Ads--

Linggo noong umalis sa kanilang tahanan si Visaya at ngunit nagdaan ang ilang araw ay hindi pa umuuwi kaya’t noong mabalitaan ng kanyang mga kaanak na mayroong naaksidente at namatay sa Aurora, Isabela ay kanilang pinuntahan.

Balak pa rin ng pamilya na ipasuri ang mga labi ni Visaya upang matiyak nilang namatay sa aksidente.