--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagsisisyasat ng San Mariano Police Station kaugnay sa pamamaril patay ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang magsasaka sa Brgy. Del Pilar.

Ang biktima ay si Judy Boy Mallari, 52 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng naturang barangay.

Ayon kay PO2 Rogelio Ignacio Jr., tagasiyasat ng San Mariano Police Station lumalabas sa kanilang paunang imbestigasyon na nagtratrabaho umano sa kanyang sakahan ang biktima nang dumating ang suspek at pinagbabaril ang biktima gamit ang di pa matukoy na kalibre ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at dalawa sa ibabang bahagi ng katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

--Ads--

Patuloy paring pinaghahanap ang suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

Bagamat mayroong nakakita sa krimen at hindi naman nila namukhaan ang suspek.

Sa ngayon ay sinisiyasat ng pulisya ang nakaalitan ng biktima na maaaring dahilan ng pamamaril.