--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain habang nakikipag-inuman sa Sitio Dimala Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela.

Ang biktima ay si Samuel Acoba, 39 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Dietban San Guillermo, Isabela habang ang suspek ay si Rudy Copuz, isang magsasaka at residente ng Sitio Dimalama Brgy. Burgos San Guillermo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Insp. Mariano Marayag, hepe ng San Guillermo Police Station na lumabas sa kanilang pagsisiyasat habang nag-iinuman ang biktima sa bahay ni Nora Bantor kasama ilang residente sa naturang lugar ay dumating umano ang pinaghihinalaan daladala ang kanyang itak at pinagtataga ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Matapos ang pangyayari ay agad umanong tumakas si Corpuz habang agad namang dinala sa Rural Health Unit ng San Guillermo ang biktima subalit idineklara rin siyang dead on arrival.

--Ads--

Ayon kay Chief Inspector Marayag, maaaring dahil sa una nang alitan ng dalawa noong linggo kung kaya nagawa ni Corpuz ang naturang krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang manhunt operation ng Pulisya para sa pagkakadakip ni Corpuz at inihahanda narin ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong murder.