--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin kaninang tanghali sa Alibagu, Ilagan City

Ang biktima ay si Ronald Cabansag, 50 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Calamagui 1st,  City of Ilagan, Isabela.

Ang biktima ay kasalukuyang nasa vulcanizing shop nang mayroong dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang dumating at bigla na lamang binaril si Cabansag.

Sa kabila na nagtamo ng tama ng bala ng baril ay nagawa pang tumakbo ang biktima subalit hinabol siya ng mga pinaghihinalaan at pinagbabaril na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

--Ads--

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang Ilagan City Police Station kaugnay sa pagpaslang kay Cabansag.