--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawang tao ang patay habang isa ang nasugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kongkretong pader sa San Mateo, Tumauini, Isabela.

Ang mga namatay ay sina Brgy Kag. Jaylord Malayao, 23 anyos, tsuper ng motorsiklo at Ignacio Domingo, 21 anyos habang ang nasugatan ay si William Masiddo, 23 anyos, pawang residente Fermeldy, Tumauini, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station na patungong timog na direksyon ang motorsiklo nang makarating sa lugar ay nawalan ng kontrol ang tsuper motorsiklo dahil sa mabilis na pagpapatakbo kaya napunta siya sa kabilang linya ng daan at bumangga sa kongkretong pader.

Nagtamo ng malalang sugat ang mga sakay ng motorsiklo na agad na dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival sina Kagawad Malayao at Domingo habang inilipat naman sa ibang pagamutan si Masiddu.

--Ads--

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nasa impluwesiya ng alak ang mga biktima.