--Ads--

CAUAYAN CITY- Umapela si Government Peace Panel Chief negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga pinuno at miyembro ng CPP-NPA-NDF na magpakita ng sinseridad sa peace talks para sa inaasam na pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Tinuldukan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiation sa mga rebeldeng komunista dahil nakikita niya na hindi seryoso ang panig ng CPP-NPA sapagkat sa mga nagdaang buwan ay binabanatan ang administrasyon sa kabila ng mga negosasyon.

Sinabi pa ni Atty. Bello na hindi tinapatan ng pamahalaan ang unilateral ceasefire na idineklara ng mga rebelde dahil sa mga naunang karanasan na lumabag sa ceasefire ang mga NPA.

Gayunman, nag-oobserba ang security cluster at intelligence community ng pamahalaan kung seryoso ang mga rebelde sa idineklara nilang ceasefire para sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

--Ads--