Hindi bababa sa 64 katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang high-speed train sa Madrid, Spain.
Ayon sa ulat, mahigit 500 pasahero ang sakay ng dalawang tren na sangkot sa aksidente. Dahil sa dami ng nasawi, ito na ang pinakamalalang aksidente sa tren sa bansa mula noong 2013, kung saan 80 katao ang namatay matapos madiskaril ang isang tren sa hilagang-kanlurang bahagi ng Spain.
Ayon sa rail operator na Adif, isang tren ng Renfe at isa pang tren ng Iryo ang nagbanggaan. Bumibiyahe ang tren ng Iryo sa rutang Madrid-Seville.
Nagpahayag naman ng pagkabigla si Spanish Prime Minister Pedro Sánchez sa nangyari at sinabing patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa transport minister.
Patuloy ang mga operasyong pang-rescue at imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente at matiyak ang kalagayan ng iba pang mga pasahero.











