--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang Grade 8 Student matapos malunod sa Magoli River Brgy. Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Ang nalunod ay si Christian Lanuza, 13-anyos, at residente ng barangay Malamag West Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, lumabas sa paunang pagsisiyasat ng Tumauini Police Station na nagtungo sa gitna ng ilog si Lanuza dahil kukunin sana nito ang naanod nitong tsinelas ngunit nalunod na ito sa malalim na bahagi ng ilog.

Dinala pa sa pagamutan si Lanuza subalit dineklara rin siyang dead on arival.

--Ads--