CAUAYAN CITY – Arestado ang tatlong katao sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation Detection Group, Santiago City Police Office at Santiago City Social Welfare and Developmebt Office sa isang entertainment bar at nahaharap sa kasong human trafficking in person.
Ang mga inaresto ay sina sina Erwin dela Cruz, 28 anyos, residente ng Santiago City; Rogelyn Yuzon, 22 anyos, residente ng Las Pinias City at Kristel Francisco, 22 anyos, residente ng Malvar, Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Chief Inspector Reynaldo Maggay, commander ng Station 1 ng SCPO, isinagawa nila ang entrapment operation matapos na matanggap ang reklamo at nagpositibo sa isinagawang surveillance sa bahay aliwan.
Nasagip sa operasyon ang mga dadalhin sana sa entertainment bar na sina Angel Mae Taguas, residente ng Las Pinias City; Ronalyn Agno, residente ng Borongan, Eastern Samar; Jacqueline Abella, residente ng Las Pinas City; Armida Graciano ng Victory Norte, Santiago City at isang 17 anyos ng Santiago City.
Ang mga nasagip sa bahay aliwan ay ipinasakanay ng CIDG at SCPO sa Santiago City Social Welfare Development Office.