--Ads--

CAUAYAN CITY- Libu-libo nang mamamayan ang nasa loob ng Isabela Sports Complex sa Ilagan City kung saan gaganapin ang final night ng Bambanti Festival ng Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Watu Forronda, pinuno ng Provincial Public Safety Company simula pa kaninang tanghali ay nagpapasok na sila ng mga tao sa loob ng sports coplex kung saan gaganapin ngayong gabi ang ilang aktibidad sa pagdiriwang ng Bambanti Festival.

Anya umaabot na sa 5,000 katao ang nasa loob ng sports complex at libu libo na rin ang hindi pinapasok dahil sa punong puno na ang loob.

Anya hindi lamang galing sa Isabel ang mga manonood kundi galing sa mga kalapit lalawigan ng Cagayan, Kalinga at Apayao.

--Ads--

Inaasahang magiging star studded ang huling gabi ng pagdiriwang ng Bambanti Festivall at inaabangan ng mga manood ang gaganaping Isabela grand concert party na pangungunahan nina Coco Martin, Yassi Pressman at iba pang artista.

Matapos ang konsiyerto ay ang inaabangangang bonggang Isabela fireworks display.

Samantala, sa hindi makakapasok para manood ng konsiyerto ay maari silang magtungo sa Bambanti Village kung saan makikita ang Agri-Ecotourism Exhibit and Sale tampok ang mga iba’t ibang produkto ng iba’t ibang bayan at lunsod sa Isabela.