--Ads--

CAUAYAN CITY- Labis na ikinalungkot ni Labor Secretary Silvestre Bello III, government chief negotiator ang pagbaril at pagpatay kay NDFP Consultant Randy Felix Malayao sa loob ng isang bus sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Bello na ang ganitong pangyayari ay dapat lalong magpasidhi sa pangangailangan na dapat isulong ang peace talks sa pamamagitan ng pag-uusap ng grp panel at NDFP panel o localized peace talks para wakasan na ang mga karahasan dahil nagbubunga ito ng pagkamatay ng maraming pinoy.

Ayon kay Atty. Bello, si Malayao ay pinuno ng NDFP committee on political and constitutional reforms at dumadalaw sa kanya bilang kaibigan at bilang consultant ng NDFP at nagpapalitan sila ng mga pananaw.