--Ads--
CAUAYAN CITY- Mayroon nang itinalagang OIC Provincial Director ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) sa katauhan ni Police Supt. Peter Cambri.
Si Supt. Cambri na Deputy Provincial for Administration ng NVPPO ay pinalitan si Senior Supt. Jeremias Aglugod.
Nauna rito sinibak sa puwesto si Senior Supt. Aglugob makaraang mapaslang sa isang bus stop sa bayan ng Aritao ang National Democratic Front of The Phils. (NDFP) consultant na si Randy Felix Malayao.
Kasabay ng pagsibak sa puwesto ng Provincial Director ay sinbak din sa puwesto ang hepe ng Aritao Police Station na si Police Chief Inspector Giovanni Cejes.
--Ads--