--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng San Agustin Police Station ang isang lalaking nahaharap sa patong patong na kasong rape sa San Agsutin, Isabela.

Ang akusado ay si Roland Gabriel, 47 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Dabubu Grande, San Agustin, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office o IPPO, dinakip ng mga kasapi ng San Agustin Police Station si Gabriel sa kanilang barangay matapos isilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Bonifacio Ong ng Regional Trial Court Branch 24 Echague, Isabela dahil sa tatlong kaso ng panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na dinala sa San Agustin Police Station para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

--Ads--