--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril ang isang nagpakilalang pastor na nagsanhi ng kanyang kamatayan sa San Felipe, Ilagan City

Ang biktima ay si George Dangayan, 58 anyos, ahente ng mga fertlizers at residente ng Patul, Santiago City.

Si Dangayan ay nakita nang walang buhay at nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at tatlong tama sa kanyang dibdib.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Captain Felimon Edwin Bayubay ng barangay San Felipe, Ilagan City na isang taon nang pansamantalang nanirahan sa kanilang barangay ang biktima at isa umanong pastor sa Capellan, Ilagan City.

--Ads--

Bago anya ang pagpaslang sa biktima ay inanyayahan siya sa Ilagan City Police Station dahil sa reklamong panggagahasa sa isang 11 anyos na bata.

Pinakawalan ang biktima dahil sa wala pang ipinalalabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Kinabukasan ay nakita na lamang ang bangkay ng biktima malapit sa kanyang inuupahang bahay.